top of page

Ang Eeman

Ang Shahadatain

Ash-hadu allaa ilaaha illallaah , wa -ash-hadu anna Muhammadan Rasulullaah

 

(Ako ay sumasaksi na walang Diyos na dapat samabahin maliban sa Allah, at ako ay sumsaksi na si Muhammad ay Sugo ng Allah)

 

Ang ibig sabhin nito ay walang ibang Diyos ( na dapat sambahin ) maliban sa Allah. Katunayan, ang pahayag na ito ay nagtatakwil (o tumatalikod) sa pagkakaroon ng Diyos bukod sa Allah at nagpapatunay na Siya lamang ang Tunay na Diyos at Siya ay walang katambal.

 

Ang Ilaah ay tumutukoy sa anuman (o sinumang) sinamba kaya sinuman ang sumamba sa anupaman (o sinuman), katotohanang siya ay nagturing nito bilang Diyos bukod sa Allah, sapagkat ang lahat ng iyon ay kabulaanan maliban sa isang Diyos. (ang Allah), at siya ang Rabb (Panginoon), ang Tagagpaglikha na Tigib ng Pagpapala at Kataas-taasan.

 

 

Ang Mga Haligi ng Laa ilaaha illallaah

Ang Unang (1) Bahagi : 

Laa ilaaha (walang Diyos)

 

Ito ay nagpapahiwatig ng lubos na pagtakwil ng pagsamba sa iba maliban sa Allah, at ng pagpapawalang saysay ng Shirk (pagtatambal sa Kaisahan ng Allah), at ng sinasamba bukod sa Allah, maging ito man ay tao o hayop, rebulto o bituin o iba.

 

Ang Ikalawang (2) Bahagi : 

illallaah (maliban sa Allah)

 

Ito ay pagpapatunay sa pagsamba sa Allah at tuwirang paglalaanan sa Kanya ng lahat ng mga uri ng Ibaadah (pagsamba), tulad ng Salaah (pagdarasal), pagdalangin at pagtitiwala (at pananalig).

 

 

Ang Pagsaksi sa Sugo ng Allah

Ang Pagkilala sa Propeta Muhammad

 

1. Ang Kanyang Kapanganakan

 

Ang propeta Muhammad ay pinanganak sa Makkah sa taong 570 G. naulila sa ama, at nawalay sa kanyang ina sa murang gulang, kaya siya ay kinupkop sa pangangalaga ng kanyang lolo na si Abdul Mutalib at sumunod pagkaraan (ng pagyao ng kanyang lolo) ay sa pangangalaga ng kanyang tiyuhin na si Abu Talib na kung naan siya ay lumaki.

 

2. Buhay at Paglaki

 

Siya ay namuhay kapiling ng kanyang sariling Tribu na Quraish sa loob ng apatnapung taon bago siya naging isnag propeta (taong 570-610 G).

 

Kilala bilang isang magandang halimbawa ng pagiging makatotohanan at matuwid. As-Sadiq Al-Amin (ang makatotohanan, ang mapagkakatiwalaan).

 

Naghahanap-buhay sa pamamagitan ng pagpapastol ng tupa at pagkaraan ay naghanap buhay sa pamamagitan ng pangangalakal.

 

3. Ang Pagsugo sa Propeta

 

Nang ang sugo ng Allah ay umabot na sa gulang na apatnapung taon (40), siya ay nalalagi at nagtutungo sa yungib ng Hira' sa taluktok ng bundok ng Tur (isang bundok sa labas ng Makkah) at doon nagmumuni-muni at sumasamba sa Allah. 

 

Sa gayaong panahon din dumating sa kanya ang kapahayagan mula sa Allah, kaya nagsimulang ibinababa sa kanya ang Qur'an.

 

4. Ang simula ng pag-Da'wah

 

Nagsimula ang Sugo ng Allah sa Da'wah (Pagpapalaganap at Pag-aanyaya) sa relihiyon ng Allah nang palihim sa loob ng tatlong taon, at pagkatapos ay ipinahayag ang Da'wah nang lantaran, kaya naipahayag niya ito sa loob ng sampung karagdagang taon bukod sa una. Dito tinamo ng Sugo ng Allah at ng kanyang mga Sahaba (kasamahan) ang napakatinding mga uri ng pag-uusig at pamamalupit gayon din ang pang aabuso mula sa kanyang tribung Quraish. 

 

Sa kabila nito, kanyang patuloy na inilalahad ang Islam sa ibang mga tribu na dumarating para magsagawa ng Hajj (pilgrimahe), at tinanggap naman ito ng mga taga Madinah, kaya nagsimula nang paunti-unti ang paglikas dito ng mga Muslim.

 

5. Ang Hijrah (Paglikas

 

Ang propeta ay lumikas sa Makkah patungong Al-Madinah Al Munawwarah (ang lungsod ng liwanag) na tinatawag noon na Yathrib sa taong 622 G. Siya ay lumikas pagkaraang hadlangan ng mga kinikilalang pinuno ng Quraish ang kanyang pag-aanyaya sa Islam at sila ay nagsikap na siya ay paslangin.

 

Sa Madinah siya ay namuhay nang sampung (10) taon . Kanyang ginugol ang kanyang panahon sa pag-aanyaya sa Islam, at pinag-utos ang Salah (pagdarasal), ang Zakaah (kawanggawa) at ang iba pang mga nalalabing alituntunin sa Islam.

 

6. Ang Pagpapalaganap ng Islam

 

Itinatag ng Sugo ng Allah ang panimula ng Islamikong kabihasnan sa Madinah pagkatapos ng kanyang paglikas (mula sa Makkah 622-632) at inilatag ang mga pamantayan ng isang huwarang Muslim na pamayanan, kaya't inalis ang bulag na pagkiling sa isnag tribu at kanyang ipinalaganap ang karunungan at inilatag din ang mga prinsipiyo ng katarungan, pagiging matuwid, pagkakapatiran, pagtutulungan at ibang mga pamamaraan.

 

7. Ang Kamatayan ng Propeta

 

Sa buwan ng Safar (ikalawang buwan sa Hijri-islamikong kalendaryo) o Hunyo 632 CE, matapos maipalaganap ng Sugo ng Allah ang mensahe ng Islam at lubusang maipatupad ang tiwala na ipinagkaloob sa kanya ng Allah at maging ganap ang pagpapala ng Allah sa sangkatauhan sa pamamagitan ng kaganapan ng relihiyon.

 

Siya ay dinapuan ng lagnay at lumala ang kanyang sakit, at siya ay binwaian ng buhay sa hapon ng araw ng Lunes, buwan ng Rabi'ul Awwal (ikatatlong buwan sa Hijri) isa gulang na 63 at siya ay nilibing sa pook ng kanyang kinamatayan, ito ay sa bahay ni Aishah sa tabi ng Masjid ng Propeta.

 

Ang kahulugan ng pagsaksi na si Muhammad ay Tunay na Sugo ng allah ay : 

 

Nararapat paniwalaan ang kanyang mga pahayag o salita at sumunod sa anumang kanyang ipinag-uutos at umiwas sa anumang kanyang mga ipinagbabawal sa sambahin ang Allah nang ayon sa pamamaraang kanyang itinagubilin at itinuro sa atin

 

Ang Paniniwala sa Pagkakaroon ng Isang Tunay na Diyos

Ang Kalikasan ng Allah: 

 

Hindi mahirap ang paghahanap ng katibayan sa pagpapatunay at pagpapatotoo sa Allah bilang nagiisang Diyos.

 

Halimbawa, ang tao (sa mga bahagi ng kanyang katawan) ay isa sa mga dakilang katibayan ng pagkakaroon ng Isnag Makapangyarihang Diyos (ang Allah) sa sinumang nagbibigay pansin, nagmumuni-muni at tumitingin sa lahat ng ipinagkaloob sa kanya ng Allah, tulad ng biyaya ng pagkakaroon ng pag-iisip, tamang damdamin, pagkaayos sa pagkakalikha at pagkaganap nito. 

 

Ron & Sara Jones

City, State

“I'm a testimonial. Click to edit me and add text that says something nice about you and your services. Let your customers review you and tell their friends how great you are.”

Michelle Ryder

City, State

“I'm a testimonial. Click to edit me and add text that says something nice about you and your services. Let your customers review you and tell their friends how great you are.”

Please reload

bottom of page