top of page

Ang Tahara (Kalinisan at Kadalisayan) 

 

Ipinag-uutos nga Allah sa mga Muslim ang kalinisan at kadalisayan sa kanilang mga sariling kalooban mula sa Hirk o ang pagtatambal sa Kaisahan ng Allah) at mula sa mga sakit ng puso tulad ng inggit, pagmamalaki at galit, gayundin ang kalinisan at kadalisayan sa kanilang panlabas na bahagi ng katawan mula sa dumi at sa lahat ng uri ng karumihan.

 

Kaya kapag naisakatuparan nila ang mga ito, sila ay magiging karapt-dapat sa pagmamahal ng Dakilang Allah. 

 

Ang Kahulugan ng Tahara

 

Ang kahulugan ng Tahara ay nagpapahiwatig ng Kadalisayan, Kabanalan, Kalinisan at Kawagasan. 

Ang katotohanang ipinag-utos ng Allah ( ang Tigib ng Kapangyarihan at Kapita-pitagan sa mga Muslim ang paglilinis sa kanilang mga sariling panlabas na katawan at sa lahat ng uri ng mga pisikal na karumihan, at gayundin ang knilang panloob na katawan. 

 

Ano ang hinihiling na kalinisan na dapat ikatuparan at gampanan para sa pagdarasal?

 

Ipinag-uutos ng Allah sa isang Muslim anf Islamikong paglilinis - sa partikular na kahulugan - ang pangangailangan (bilang tungkulin na dapat tuparin), kapag nais niyang magsagawa ng Salaah o humawak ng Qur'an o maglakad sa palibot ng marangal na Ka'bah.

 

At iminumungkahi ito bilang isang kalugod-lugod na gawain sa maraming kalagayan, ang mga ilan dito ay:

 

1. Pagbabasa ng Qur'an na walang hawak na sapin sa naturang Kasulatan sa oras ng panalangin

2. Sa pagtulog

3. Iba pang mga pagkakataon

 

Kaya kinakailngan para sa isang Muslim na kapag nais niyang magsagawa ng pagdarasal, ang paglilinis mula sa dalawang bagay:

 

Una:                 Ang Najasah (Ang Karumihan) - Ang Najasah ay nahahati sa dalawang antas o kalagaya

Pangalaawa:    Al-Hadath (Ang kalagayan o antas ng karumihan)

 

Ang paglilinis mula sa Najasah (Karumihan) 

 

Ang paghuhugas ng mga Najasah sa katawan, damit at lugar o iba pa rito-sapat na tanggalin ang mismong bagay na nagdudulot ng karumihan nito at ang pinagmumulan nito sa lugar na narumihan sa anupamang pamamaraan, maari itong gawin sa pamamagitan ng paggamit ng tubig o iba pa sapagakat ang Allah ay nag-utos na tanggalin ito.

 

At wala Siyang kondisyong itinakda sa paghuhugas ng dumi hinggil sa partikular na bilang malibn sa dumi ng aso (ang laway, ihi at tae nito), sapagkat itinakda sa kondisyon dito ang pitong ulit na paghuhugas at ang isa rito ay sa pamamagitan ng lupa, samantalang ang nalalabing mga dumi ay sapat na ang pag tanggal sa mismong dumi nito at pinamumulan nito.

 

 

Ang Mga Wastong Pamamaraan o Kagandahang Asal ng paghuhugas ng Dalawang Labasan

(Ihi at Dumi)

 

1. Itinagubilin bilang kaaya-ayang gawain na kapag pumasok sa palikuran ay:

  • Iuna ang ang kaliwang paa sa (paghakbang papasok) at sabihin ang"Bismillah, Allaahumma inni a'udhu bika minal khubuti wal khabaatith" (Sa Ngalan ng Allah, O Allah, ako po ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa mga masamang jinn, maging lalaki man o babae).

 

2. At kapag lumabas mula rito ay iuna (sa paghakbang) ang kanyang kanang paa, at magsabi " Ghufranak" (Hinihingi ko po ang inyong kapatawaran)

 

3. Kinakailngan (bilang tungkulin) ang pagtatakip ng 'Awrah (bahagi ng katawan na kailngang takpan) mula sa paningin ng mga tao sa sandalin ng kanyang pagdumi)

 

4. Ipinagbabawal din ang pagdumi o pagihi sa mga lugar kung saan ay makapagdulot ng kapinsalaan sa mga tao.

 

5. Ipinagbabawal din na kung nasa disyerto ang pagdumi sa lungga sa dahilang maaring mayroon namamahay ditong isang hayop na maaring mapinsala o siyang mapipinsala nito.

 

6. Marapat sa isang tao na huwag humarap sa Qiblah at huwag din tumalikod dito sa sandaling siya ay nagdudumi  habang nasa parang o disyerto at walang bakod na makukublihan.

 

7. Kailngan ng ibayong pagiingat upang huwag kumapit sa damit o katawan ang anumang duming nagsisiliparan at kinakailangang hugasab ang anumang kumapit o dumapo rito.

 

 

 

 

 

 

bottom of page